top of page
noemi manguerra.jpg

Noemi Manguerra

OFW nadiskobre muli ang sarili sa pagpinta

Ni Cristina Cayat

Isang magaling na pintor ang nagkukubli sa pangalan na Noemi Manguerra. Masaya na kasi siyang nakakapagbahagi siya ng kasiyahan sa kanyang grupong Filipino Prayer Group sa Saint Joseph kada Lingo.

Noon lamang 2016 siya nagsimulang ipakita sa labas ng Saint Joseph ang kanyang mga obra noong sumali siya sa workshop ng Pintura Cicle na Ma-Art-eh. Noon din niya unang naranasan maidikit ang kanyang obra sa dingding kasama ng obra ng mga kalahok.

Sa edad na 43, ngayon lamang siya nagpapalawak o nagsimulang magpalawak ang kanyang “network” o kaya’y dumami ang kanyang mga kakilala nagkaroon ng bagong grupo na tinawag nilang Guhit Kulay.

Ang pintor na tubong Hagonoy, Bulacan ay isang mahiyain kaya naman pakiramdam niya ang bilis ng mga pangyayari dahil ilang buwan pa lang ay inimbitahan si Noemi at ang kanyang grupo na magpinta ng sampung canvas para sa proyekto na pinagsamahan ng Hong Kong University, Goldsmith University sa London at Enrich HK.

Ngayon ay kasalukuyan na naka ekxibit sa Vargas Museum sa UP Diliman ang ilan sa kanyang mga obra, matapos ang unang yugto ng eksibit sa London. At dadalhin din dito sa Hong Kong sa Abril ang mga ito.

Ayon kay Noeme isa siyang “frustrated architect” mula sa kanyang pagkabata pangarap na niyang magdesenyo ng mga gusali. Isang rason kung bakit hindi niya naituloy ay napagsarhan siya ng entrance exam. Gayunpaman, kumuha siya ng Nursing na hindi rin niya natapos, bagkus kumuha siya ulit ng 2 taon na Computer Programming.

Naisantabi niya ang pagpinta sa panahon ng pag-aaral, ngunit noong pumasok siya sa trabaho pagkatpos ng Computer Programming na kurso nakasilip sya ng pagkakataon na matutong gumamit ng Auto CAD sa Engineering Department ng kanyang trabaho sa FabCom Philippines. Dito muling nabuhay ang kanyang paghagod. Pakunti kunti, panakaw pa.

Ngunit dahil sa hindi naman sapat ang kanyang kinikita, kinailangan nyang umalis sa Pilipinas at nag Taiwan ng dalawang taon bago siya nagtungo dito sa Hong Kong noong 2005.

“Matagal ko din inilagay sa baol ang aking talent,” sabi ni Noeme. Lalo noong kararating lang niya ditto sa Hong Kong, sabi niya hindi niya nabigyan ng oras ang pagpinta.

Noong lamang 2012 noong sumali siya sa Saint Joseph bilang membro ng Filipino Prayer Group. “Ang hinahanap ko noon sana ay volunteer group para sa mga elderly, ngunit magaling ang Diyos dahil dinala niya ako sa magdadala sa akin upang muli kong buhayin ang pagpinta ko.” Siya ang tinaguriang creative mind ng grupo dahil hindi siya nag-atubiling ibahagi ang kanyang talento, mula installations at pintura at kung ano-anupang may kinalaman sa pagdekorasyon. Lalo pa at madalas ang kanilang aktibidad sa Saint Joseph. 

Patuloy na nabuhay ang kanyang interest nang ipadala ng kanyang ama ang kanyang lumang gamit na brush, charcoal at color pencil na regalo pa ng kanyang tatay noong nagtrabaho ito sa Japan. Sabi ni Noemi, minana niya ang kanyang talent sa pagpinta mula sa kanyang ama. Dating OFW din ang kanyang ama, at naalala niyang nagpapadala ang kanyang ama ng mga portrait ng kanyang ina habang ito ay nasa Saudi.

Hindi man siya kumuha ng pormal na pag-aaral ng pag-guhit, at hindi siya nagtapos ng kursong architecture, ngayon siya papayag na mawalan na lang ng buhay ang kanyang pagguhit. Sa katunayan hindi na siya nagpre-preno sa pagsali sa mga patimpalak kahit sa mga grupo ng mangguguhit sa Facebook gaya ng “monthly Challenge.”

Sabi ni Noemi madami siyang nakikitang magagaling na pintor kaya mas lalo pa siyang na-engganyong gumawa din at pagbutihin ang paghagod.

Kuwento niya ang una niyang panalo ay noong sumali sa patimpalak ay noong nasa pangatlong baiting siya sa High School, aniya napasubo siya dahil walang ibang isabak, ngunit siya ang nagwagi sa kanyang Fisherman of God na ginuhit.

Pero nais niyang mas magpokos sa paggawa ng mga makabuluhan na obra, yong nagbibigay ng saya o di kaya magbibigay ng buhay sa bawat makakakita.

Sa katunayan, madami dami na rin siyang mga gawang nakarating na sa ibang bansa. “Mas lalong dumami ang nagpapagawa dahil sa mga nakikita nilang mga gawa ko na nilalagay ko sa Facebook,” sabi ni Noemi.

“Pero isa sa pinaka pangarap ko, gaya ng ibang artist ang magkaroon ng sariling eksibit at ang suntok sa buwan na pangarap kong magkaroon ng sariling studio,” patawang tugon ni Noemi. 

Watercolor 

Noemi's watercolor medium is reflected in these artworks.

Acrylic

Noemi's very subtle use of acrylic works perfectly for her subjects.

Charcoal

Commissioned works.

bottom of page